News and Events

“Sa Aking Paglalakbay”
by Regine S. Portacio
Santacruz ,Cabusao ,
Camarines Sur

I Nag-iisa ako sa kwarto,
  Nag-iisip ng kung ano-ano
  tinatanaw ang langit,
  Ngunit bakit hindi ko maisip?

Ref...
  Sinta...Sinta

Chorus:
Hindi ko alam bat nagkaganito?
Buhay koy nagkagulo-gulo,
Hanggang kailan kami magaantay?
At patuloy na maglalakbay?

II Sarili koy nababalisa,
   Bat kami ay di mo makita?
   Kaming nakaapak nalang sa lupa.
   Ni tsinelas walang makuha.

III At kung ako ay iyong makita
    na tila bay naliligaw na..
    sanay iyong pagpayuhan.
    Na babaunin ko sa aking paglalakbay
    (repeat Ref.)

“Kabataan: Kasama Ninyo”
Joan R. Papa
Atulayan, Sangay
Camarines Sur

Kabataan .......4x
Sa aming bayan,ang bawat
bata'y mayroon ding,nalalaman
aming naririnig,at nakikit
ang bawat ngiti at luh
ng bansa.

Itaguyod ang aming karapatan
Nawa'y ito;y marinig
namumuno ng bayan

nais naming madama ang
pag-ibig,lahat tayo;o magkapit bisig

Chorus:
Sikaping nating na ang
bansa'y maihahon sa
hirap at poot ng kaguluhan.

Pag-ibig at pagbabago ang
unahin...

kasbay nyo kami sa pagtupad ng pangarap.

Sa ating puso,ang tanging
hangad araw ay masilayan
aming nadarama ang
kahirapan ng bawat
pilipino nakaluluk
sa lihim ng karahasan
nawa'y ang pagkakaisa
ay makamtan.

Nais namin madama
ang pag-ibig,lahat tayoy
magkapit bisig.

(repeat chorus)

Bridge:
Kabataan magkaisa
pagbabago simulan na...

kabataan kumilos na..
pagbabago simulan na...

(repeat chorus)2x
(ending)
kasabay nyo kami sa
pagtupad,ng pangarap 3x

Pangarap”
Josie Baduria
Bongalon ,Sagñay
Camarine Sur

Layunin ng kabataan
magkaisa't magtulungan
Tama na ang kahirapan
Nang makamit ang kapayapaan.

Marami na nag kaguluhan
Makamit lamang ang pagbabago
Itawid ang paraang
Baluktot gawa ng tao.

Chorus:
Ano kaya nag ginagawa nila ?
May kapangyarihan sila diba?
Gamitin sana sa maganda
May ngiti sana sa ating mukha

Pangarap ng kabataan
Makamtan ang isang tahanan
Dugo't pawis ibubuwis
Hindi na muling tatangis.

Ano kaya nag ginagawa nila?
May kapangyarihan sila di ba?
Gamitin sana sa maganda
May ngiti sana sa ating mukha.(2X)

kapit bisig mga kapatid
tayo'y may isang mithiin
pangarap natiy abutin
tayo'y iisa,Filipino rin.