News and Events

“Hangarin “
Luis Krisanto B. Timbal
Barangay Barcelonita,Cabusao
Camarines Sur

Baki kaya ang buhay
Natin ay iba-iba
Mayroon mahirap
Mayroon mayaman

Bakit ba ang buhay
Ay sadyang magulo
Hindi magkaisa at
Hindi magkasundo

Refrain:
Batid ko na
Iisa lang nag ating hangarin
Na sana ang bayan ay
Umunlad na rin

Chorus;
Kaya natin abutin
Ang minimithing tagumpay
Ikaw at ako magkahawak kamay
Halina...kabataan ibangon
Ang ating Bayan

Bakit hindi tayong ahat ay magtulungan
Manalig sa diyos at magdamayan
Di ba't iisa lang ang ating pangarap

(refrain)
Chorus

“Maging Malaya”
Reynold Buenviaje
Barangay Sto.ñino,Sagñay
Camarines Sur

Mulat sapol sa mundong ibabaw,
Saan Kaman Mag-punta
Saang daku kaman mamuhay
Kasalamuhay may hinaing ant dalamhati

Sa mga dugong pulitiko
Labis na nagagalak
Sa kapangyarihan at salapi
Nawalang ibang pinagmulan
kundi sa taong bayan

Sa hustisya di- makamit
Di pantay na karapatan
Sa gitna ng mayaman
At mahirap

Chorus;
Dukhang mamamayan ng lipunan
Na pinutulan ng dila
Sa gitna ng gubat na nababakran
Ng magagarang tahanan
Tahanang pinamumugaran
Ng buwayang gahaman,
Mapagkitil na tigre,
At mapanlilang Sipyente
Sa halip na tulungan kay
Doble pa ang kabayaran
Buhay mo ang kabayaran

(Bridge)
Tama na ang umano'y
makatarungang systema,
Ibigay sa mamamayan

Kaginhawaan ,karapatan,
sa taong bayan.
Mamuhay ng normal
Na mamamayan sa ating lipunan.
(repeat last chorus)